in ,

Aswang

Ang halimaw na gumagala sa gabi sa pinas

Aswang.

May nakasalubong kana ba ng isang aso, pusa o isang baboy sa gitna ng gabi at kakaiba ang titig neto sa iyo ?

Malamang ay wala ni isa man sa mga Pilipoino ang nakakakilala sa tinatawag na “Aswang”,mula probinsya hanggang siyudad ay kilala ang nilalang na ito.Ngunit panigurado ay ang lama mo lamang ay isa itong nilalang na gumagala tuwing gabi at naghahanap taong bibiktimahin.

History

Pinaniniwalaan na ang g aswang ay matagal nang nanininrahan sa ating bansa at nagsimula talaga ito sa pilipinas.Noong 16th century , sinulat ng mga spanish explorer ang unang record ng aswang at ayon sa kanila ay ito ang pinaka nakakatakot , at kinakatakutan na nilalang ng mga tao nooong unang panahon.

Ang pangalan ng nilalang na ito ay mula sa sanskrit word na “Asura” na ang ibig sabihin ay Demon.Madalas ay kinikilala din ito bilang isang Tik-Tik o Wak-Wak.Ang mga nilalang na ito ay naglalabas ng nakakatakot na ingay habang naghahanap ng pagkain.

Ang term na “Aswang” ay mula sa salitang Filipino na pinag samang”Aso-wang” dahil pinaniniwalaan na ang nilalang na ito ay madalas na nag-aanyong aso.Ayon sa isang Historian na si Anthony Lim , ang mga malay na lumipat sa ating bansa noong 13th century ang nagpalaganap kung ano-anong supernatural beliefs.

Noong ang Pilipinas ay nasa Pre-colonial pa , ang namumunong babae sa isang lugar ay tinatawag na Babaylan.Ayon sa isang Museum curator na si Bryan Argos  , ang mga namumuno sa isang lugar ay mahalaga ang ginagampanan na papel sa pang gagamot sa mga may sakit at pagkausap sa iba’t ibang elemento at espirito.Dahil dit ay pinalaganap ng mga tag espanya ang kristyanismo at sinabing masama ang ginagawa ng Babaylan dahilan upang madalas babae ang kadalasan na napagkakamalan na isang Aswang.Ang mga kababaihan noong unang panahon ay bumuo ng isang political revolution sa capiz upang kalabanin ang gobyerno ng Espanya.Ayon kay Argos,inakusahan ng mga espanyol ang mga kababaihan ito daw ay mg aswang.Kaya marahil ang bayan ng Capiz hanggang sa panahon ngayon ang pinaniniwalaan na pinaka kut ang mga Aswang.

Appearance/Characteristics

Sa dami at iba’t ibang paglalarawan sa isang aswang ay ikaw sa sarili mo ay maguguluhan din.Dahil nga ang aswang ay nakakabit sa mga nilalang katulad ng manananggal , tiktik , sigbin at iba pa.Mas pinaniniwalaan na ang itsura ng isang aswang ay isang babae sa umaga at maaring isang baboy , aso , ibon kapag sumapit na ang kadiliman.Pinaniniwalaan na kahit mag anyong hayop ang nilalang na ito ay malalaman mo na isa nga itong aswang dahil sa mga nakakatakot na nagagawa neto.Pinaniniwalaan na ang ang aswang ay may mahaba at matulis na dila at kapag lumakad ito ay ang kanilang paa ay nakabaliktad na kung titignan mo sa paa ay nakatalikod ito sa iyo ngunit ito ay nakaharap mismo sa iyo.

Ang pinaka nakakatakot na nagagawa ng nilalang na ito ay ang lakas nito na maari netong buksan ng saglitan ang iyong katawan.Dahil nga normal na tao lamang ang kanilang itsura ay maaring nakakasalamuha mo sila araw araw.Sa iba’t ibang parte ng pilipinas ay iba’t iba din ang pinaniniwalaan nilan itsura nito sa gabi na kaya nilang mag-anyo bilang isang bagay.Tulad na lamang ng pag gaya sa itsura ng isang tao na kanilang naging biktima, ginagawa nila ito upang maitago ang tunay na pagkamatay ng kanilang biktima.Ang isa pa sa kinikilalang kakayahan ng aswang ay ang makagawa ng isang nakakatakot na tunog.Kaya din neto na itago ang sarili sa mata ng tao sa pagsapit ng gabi.

Tulad ng isang manananggal ay mahilig din ang aswang sa isang sanggol buhay man ito o nasa tiyan pa lamang ng kanyang ina.Ginagamit neto ang matulis na  dila upang masipsip ang dugo ng bata o ang fetus na nabubuhay sa loob ng tiyan ng isang buntis.

Dahil nga isang uri din ng mananangal ay pinaniniwalaan na may nabubuhay na manok at naipapasa din sa iba nag kapangyarihan neto.

Protection

Isa sa ginagamit na panlaban sa aswang ay ang isang silver , asin , luya at isang coin.Ang panlaban na silver ay nagmula sa western mythology na pinaniniwalaan din panlaban sa isang  lycanthropes o werewolves, dito pinaniniwalaan na magkakonekta ang dalawang ito.Ang asin ay ginagamit upang sunugin ang balat neto; luya upang pantaboy sa nilalang na ito at isang coin na pinaniniwalaan upang hindi ka makuha neto.

Pinaniniwalaan na takot din ang nilalang na ito sa isang bolo o itak, sa apoy , ang mga kakaibang dasal na maaring makapagpahina sa kanila na sa ganitong kalagayan ay maari nang atakihin at patayin

Madami ang paraan upang malaman upang malaman kung may aswang sa paligid.Isa na dito ang isang espsyal na langis na nakalagay sa loob ng maliit na bote , ang langis ay mula sa isang buko at nilagyan ng isang halamang ugat.Ilalapag ito sa isang lugar at kapag ito ay kumulo o bumula pinaniniwalaan na may aswang sa paligid, titigil lamang nag pagbula kapag umalis na ang isang aswang.

Kung sa umaga ay normal lamang silang tao ay hindi mo sila maiiwasan, ngunit pinaniniwalaan na may mga paraan makilala mo ang isang aswang umaga man o gabi.Nariyan ang pagtingin sa kanilang mata , pinaniniwalaan na ang repleksyon natin sa mata ng isang aswang ay pabaliktad at kung mayroong kang nakita na nakatingin sa iyo sa gitna ng gabi at kulay pula ang mata ay mabuti na tumakbo kana.Takot din sila sa liwanag at sa ingay.Pinaniniwalaan na ang aso , pusa ,baboy na walang buntot ay maaring isang anyo ng aswang.Ang mga ingay na naririnig na pagkaluskos sa bubong ay isang senyales na mayroong aswang.

Similar Creature

Sa patuloy nating pagkilala sa isang Aswang ay makikita natin ang mag similaridad neto sa mga nilalang sa bandang Europa.Tulad ng isang Bampira pinaniniwalaang kumakain at sumisipsip sa dugo ng tao  at takot din ito sa liwanag tulad ng ng isnag aswang.Ang lycanthropes o werewolves na pinaniniwalaang taong nag aanyong tuwing sumasapit ang kabilugan ng buwan na kaya dingawin ng isang aswang ngunit kumpara sa werewolves ay nagagawa ito ng aswangh kahit hindi bilog nag buwan.Ang isang isang Witch na kung saan may pagkakatulad na kung titingin tayo sa kanilang mata  ay makikita natin na tayo ay nakabaliktad.

Isa pang katulad neto ay ang Penanggal na mula sa malaysia na halos katulad na katulad sa lahat ng bagay ng isang aswang.

Kung titignan naman sa pilipinas ay masasabing nasa iisang pamilya ang Amalanhig, Manananggal. Wak-wak o tik-tik at sigbin na lahat sila ay nagmula din sa lugar ng Visaya.

Story

Noong 1946 ,sampung buwan pagkatapos ng World War II.Ibinigay ng U.S sa pilipinas ang hinahangad netong kalayaan, ngunit hindi talaga nila iniwan ang pilipinas at binigyan ng payapang buhay.Patuloy pa din ang labanan ng america at ng Pilipinas.Ang CIA o Central Intelligence Agency ay eksperto pagdating sa mga patagong operation at kaya nilang pagsama-samahin ang Saykolohikal , kultural at political upang maging sandata.Dahil sa matatalino ang mga ito at mautak ay naisipan nilang gamitin ang sarili nating paniniwala sa aswang upang kanilang panlaban.

Noong tumigil at humupa ang giyera mula sa Hapon at mga Pilipino , lumaganap ang pangalan na Luis Taruc noong 1945.Kinilala ito bilang bayani dahila pamumuno sa samahang Hukbalahap o (Hukbo ng Bayan Laban sa Hapon) ito ay isang hukbo kung saan lumaban mula sa mga hapon para sa bansang Pilipinas.

Maayos ang pagsasamanahan ng hukbong ito at ng mga hukbo ng america noong panahon ng giyera ngunit nagbago ang lahat mula ng tanggalin sila sa kongreso ng mismong presidente na si Manuel Roxas.Sa hindi pagpayag ng grupong hukbalahap sa ibinigay na batas ng US na “Bell Trade Act” kung saan ang america ang kokontrol sa industriya at ekonomiya ng bansa.Sa kanilang pagtanggi , nagalit ang america maging ang presidente at tinggalan sila ng karapatan sa kongreso at pinaratangang ang mga ito na sila ay nagrerelbelde.Isinisi din sa grupong ito ang pagkamatay ng asawa ng nagdaang presidente na si Manuel Quezon na si Aurora Quezon.Dito ay kinilalang kalaban ang Grupong ito.Namatay si Roxas noong 1948 sa isang heart attact at pinilatan ito ng bagong presidente na si Elpidio Quirino.Ngunit masyadong malakas ang hukbalahap upang talunin, at dito ay gumalaw na ang grupong CIA at naglatag ng plano na pinamunuan ni  Edward Lansdale.

Noong 1950 hanggang 1945 , ginamit na  psychological weapon ng CIA ang aswang labang sa mga probinsya ng Pampanga, Nueva Ecija,at ng Tarlac.Pero paano ginamit ng CIA ang aswang laban sa mga pilipino ? Nakipagkasundo ba ang mga ito na magiging supplyer ng laman loob at dugo upang maging pagkain kung tutulong silang kalabanin ang Hukbalahap ? Walang ganitong kasunduan na naganap.Simple lamang ang plano , magkakalat ng mga patay na katawan na matataong lugar ng probinsya.Ang mga patay na katawan ay mula sa mga napatay na Hukbalahap mula sa pakikipaglaban , ang mga katawan ay mayroong mga kagat ng hayop at mga kalmot upang mapaniwala na kagat ito ng aswang.

Dahil sa karumal dumal na pangyayaring ito ,hindi man inaasahan ng CIA na gagana ang planong ito ngunit napaniwala nila ang mga tao sa lugar at maging ang hukbalahap na ang aswang ang may gawa neto.

Ayon kay Landsdale ,“To the superstitious, the Huk battleground was a haunted place filled with ghosts and eerie creatur e” isinisi ni Landsdale sa grupong hukbahalap ang mga nasabing paglabas ng mga aswang.

Ipinaliwanag din ni Landsdale kung paano pa sila nakakakuha ng mga patay na kawatan na kanilang kinakalat sa daan.Ayon dito , ang mga nahuhuli nilang miyembro ng grupong Huk na kanilang pinapatay. Matapos patayin ay nilalagyan ng dalawang butas sa leeg at  nilulublob sa isang drum ng dugo at saka nila ito ikakalat sa lugar kung saan madami ang  tao, at kapag umabot ang balita grupo ay sila ay matatakot din at lilipat naman sa ibang bundok upang magtago.Dahil na din sa pangyayari at sisihan na nagaganap ay nagalit na din ang mga normal na namumuhay sa grupong Huk.

Ang grupo ng hukbalahap ay nagsimulang mawalan ng suporta mula sa mga lugar na kanilang hawak noon.Patuloy ang pa din ang pakikipaglaban hanggang noong 1954 , ang lider ng Hukbalahap na si Luis Taruc kasama ang karamihan sa kanyang miyermbro ay sumuko at humingi nang tawad sa mga tao.

Makikita natin na magmula noon at hanggang ngayon ay takot na takot pa din ang mga Pilipino sa tinatawag sa nilalang na ito.

What do you think?

Kumakatok

Dwende