in

Jörmungandr

Listen to this article:

Sa mga hindi panakakapanood ng unang video, quick overview lang. Si Loki ay may tatlong anak kay Angroba isang giantess. Ang kanyang mga anak ay sina Hel na isang babae na syang nilagay sa nifelheim at namamahala dito, si fenrir na isang malaking lobo na dinala sa asgard para bantayan at yormungand na isang malaking ahas na syang tinapon sa kailaliman ng ilog. Alam nyo ba mga boss na ang midgard serpent ang nakapatay sa kilala nating si Thor? oo mga boss, not directly pero si Thor ay namatay pa rin sa kagagawan ni yormungand.

Summary:

Si thor ay may personal na galit kay yormungand dahil napahiya sya sa isang contest dahil dito. Gusto nyang makapaghiganti at mapatay ang higante. 3 beses silang nagharap. Sa pangatlong beses ay ang laban ng ragnarok kung saan napatay ni Thor si yormungand pero namatay din ito dahil sa kanyang lason. Ayan boss ang quick summary ng istorya ng midgard serpent. Kung gusto nyo pang marinig ang detailed explanation. Simulan na natin mga boss.

Trickery:

Isang araw si Thor at ang iba pa nitong mga kasamang diyos ay pumunta sa lugar ng mga higante. Nakakita sila ng isang kastilyo na sobrang laki na kahit si Thor ay hindi ito kayang buksan mabuti na lang at mayroong maliit na siwang na kasyang kasya sila kaya nakapasok ang mga ito. Nalaman ito ng hari ng kastilyo na si Utgarda at disappoited sya kasi maliliit ang mga diyos ng asgard at kung gusto nilang bigyan sila ng hospitality sinabi nito na kailangan muna nilang magperform para maimpres ang hari.

Ang unang pagsubok kay thor ay ang pag-angat sa pusa ng hari, mga boss take note ha, ang pusa ay higante kasi mga higante ang mga ito. Gayunpaman, kayang kaya itong gawin ng mga batang higante. Ginawa ni Thor ang kanyang makakaya para maiangat ang pusa subalit ang nagawa nya lang ay maiangat ang isang paa nito ng bahagya.

Ang pangalawang pagsubok ay patungkol sa paginom. Kilala si Thor na isang manginginom kaya naman alam nyang kayang kaya nya ang pagsubok na ito. Simple lang naman ang pagsubok, kailangan nyang ubusin ang nakalagay sa drinking horn ni Utgarda, again mga boss ang drinking horn ng isang higante ay malaki. Sinubukan nyang ibusin ito sa abot ng kanyang makakaya pero hindi nya ito naubos ay halos kakaunti lamang ang nabawas.

Dahil dito napahiya si thor dahil dalawang beses na syang natalo. Nagalit ito at nagdemand na gusto nya naman ng labanan. Pero dahil na din sa dalawang beses syang natalo, sinabi ng hari na ang pwede nya lang maibigay na kalaban ay ang isang matandang nurse na si Elli. Alam naman natin na champion ng asgard si Thor kaya naman nuong sinabi ito ng hari ay malaking humilitiation sa parte nya. Gayunpaman wala syang magawa dahil dalawang beses na syang pumalya. Nakipaglaban sya sa matandang nurse at ginamit ang kanyang lakas subalit kahit dito ay hindi sya nagtagumpay.

Dahil sa late na din nuon, sinabi ng hari na duon na sila matulog kahit na sila ay pumalya sa lahat ng pagsubok. Kinaumagahan binigyan sila ng almusal at naging mabait naman ang hari at sinamahan sila palabas. Nuong malayo na sila sa kastilyo dito na nag confessed si Utgarda at sinabing ang kanyang mga pagsubok ay hindi simple at isa syang enchanter. Sinabi nya na ang pusa na sinusubukang iangat ni Thor ay ang napakalaking ahas na si yormungand. Ang drinking horn naman na sinusubukang ubusin ni Thor ay konektado sa dagat at ang matandang kinalaban nya ay wala talagang makakatalo dito dahil ito ay ang old age o ang pagtanda.

Nuong narinig ito ni Thor, nagalit sya at hinampas nya ng kanyang maso ang hari subalit agad itong nawala. Nakita nya ang kastilyo at agad itong inataki pero nawala din ito. Nangako si thor na maghihiganti at napagtuunan nya ng pansin si yormungand dahil isa rin sya sa mga dahilan kaya sya napahiya at alam nya kung saan ito matatagpuan

Revenge:

 

Matapos nito si Thor ay naglakbay at natagpuan nya ang isang higante na nagngangalang Hymir na nakatira malapit sa dagat at dito pinayagan syang manatili ng higante. Kinaumagahan si Hymir ay naghahanda para mangisda. Nagtanong si Thor kung pwede ba syang sumama. Medyo alanginin ang higante dahil nga maliit lang si Thor at wala itong malaking maitutulong pero napapayag din siya. Nagatanong si Thor sa kung anong gagamitin nilang pa-in at sinabi ni hymir na magdala sya ng sarili nyang pa-in. Si Thor umalis at humanap ng pinakamalaking Toro at kinuha nya ang ulo nito.

Nuong nasa kalagitnaan na sila ng dagat si Thor derederetso pa rin sa pagsagwan kahit na pinigilan na sya ni Hymir. Natatakot si Hymir na magambala nila si yormungand pero un nga ang gusto ni Thor, ang palabasin ang world serpent. Nuong nasa dulo na sila, nilagay ni thor ang ulo ng toro sa hook at nilaglag ito sa tubig. Eksaktong eksakto ang midgard serpent ay lumalangoy sa ilalim ng tubig at nakita ang ulo ng toro na agad nya namang sinagpang. Dahil dito si Thor ay halos mapatumba at madala sa ilalim ng tubig. Ginamit ni thor ang lahat ng lakas nya para maiangat ang higanteng ahas. Dahil sa sobrang lakas ng pagkakahila ng ahas, Ang paa ni thor ay unti unting bumabaon sa kanilang bangka na syang pinapasukan ng tubig. Naiangat ni Thor si yormungand at nagkatinginan sila.

Si Hymir naman takot na takot kay yormungand at dahil ang tubig ay pumapasok na rin sa bangka nila, kung magpapatuloy ito, dalawa silang magiging pagkain ng higanteng ahas. Inangat ni Thor ang kanyang maso at akmang ipapalo na ito kay yormungand ng biglang kinuha ni hymir ang tali at pinutol ito sa sobrang takot. Si yormungand agad naman lumangoy papailalim at sinubukang ibato ni thor ang kanyang maso subalit hindi na ito tinamaan pa. Dahil dito galit na galit na naman si thor at tinuon nya ang kanyang galit kay hymir na syang kinabagsak nito sa dagat at nalunod. Dahil dito natakot si yormungand na baka balikan sya ni Thor kaya nagtago ito sa kailaliman ng dagat kung saan hindi na sya makikita pa nito.

Ragnarok

Kahit na gustong gusto ni Thor na mapaslang si yormungand, hindi ito nangyari hanggang sa dumating ang ragnarok kung saan ang kapatid nitong si fenrir at ang amang si Loki ay nakalaya at hinarap nila ang mga diyos ng asgard. Natalo ni Thor si yormungand gamit gamit ang kanyang mahiwang myolnir. kung saan hinampas nya ito sa ulo. Subalit siya din mismo ay namatay sa enkwentro dahil bago nya pa mapatay si yormungand, na isprayan sya nito ng kamandag. Nakalakad si Thor ng 9 na beses bago namatay dahil sa pagkakalason.

What do you think?

Aswang sa Bulacan

Sino si kamatayan