in ,

Santelmo

Ang dahilan kung bakit kinatatakutan ang SANTELMO

Isang gabi naglalakad ka sa isang madilim na lugar, isang barrio, tapos meron kang nakitang isang liwanag, akala mo nuong una tulos lang pero habang papalapit ng papalapit, nakikita mo na gumagalaw ito, sumasayaw sa hangin. Ang unang reaksyon na tatama sa yo ay curiousity, mas lalapitan mo ito at mas aalamin, habang ang mga ibang alam na ito ay tatakbo ng mabilis at hindi na lalapit pa.

Pero ano nga ba ang santelmo? Sino si santelmo? Papaano sya nabuo? Meron ba ito sa ibang bansa? o ang cryptid na ito ay specifically lang sa atin?

Before i start mga boss, i would like to put out a disclaimer. This video was made to give out information on the said topic. This is not created to plant a seed nor indoctrinate you. You as the viewers will be judge on how you perceived the said information.

That being said, let us start.

Description

Ayon sa kwento, ang santelmo ay ang espiritu ng isang taong namatay malapit sa mga ilog, sapa o hindi naman kaya dagat. Karaniwan itong nakikita kapag malakas ang ulan.

Ang ligaw na kaluluwa ay lumilitaw bilang isang bola ng apoy at ayon sa kwento, ang bolang apoy na ito ay lumulutang at bumabalik ng paulit ulit para makapaghiganti sa mga taong gumawa ng masama sa kanya.

Ayon naman sa libro ni Dr. Maximo Ramos na creature of the midnight, tayong mga filipino ay tiantawag itong santelmo, isang bilog na apoy na nakitara o nakikita sa mga palayan at mga swamps. Ito daw ay tumatalbog talbog at umiikot sa hangin. Ito ay nagbabago ng anyo at magiging halimaw na mayroong umaapoy na bibig. Ang mga manlalakbay at mga mangingisda ay sinusundan ito at lalakad sila ng lalakad hanggang sa mapagod, hindi na nila makikita pa ang kanilang bahay, hindi na sila makakabalik. Eventually ang santelmo ay pupunta sa isang liblib na lugar, mahihilo ang mga ito ay mababaliw. Para mawala ang epekto ng santelmo, kailangan baligtarin ang mga damit.

That is where it gets complicated. Kasi as far as i remember, ang kailangan baligtarin ang damit ay ang tikbalang na kadalasan nanliligaw ng mga tao, ayon sa kwento. Could it be na ang santelmo talaga ay tikbalang at isa lamang itong illusion?

Story

 

Ayon sa kwento, isang lalaki ang nalunod sa ilog sa harap ng maraming tao at wala ni isang tumulong dito. Natakot din ang mga taong nakapaligid dahil malalim ang ilog. Lumubog ang katawan nito at hindi na natagpuan pa.

Matapos ang ilang linggo, ang mga residente ay nakakita ng isang liwanag mula sa ilalim ng ilog, isang kulay pulang liwanag.

Ang mga nagbabangka ay pinuntahan ito para ikspensyonin. Laking gulat ng mga ito ng makita nila na isa itong bolang apoy na nakalutang sa gitna ng ilog.

Agad na lumayo ang mga nagbabangka dito at ibinalita ang kanilang nakita sa mga kabaryo nito, pinaniwalaan nila na ito ang kaluluwa ng lalaking nalunod. Ang bolang apoy ang nagsisimbulo ng kaluluwa ng nalunod na lalaki. Dito na nagsimula ang kwento patungkol kay santelmo.

Ayon sa mga matatanda, kapag lumapit ka sa bolang apoy, kundi ka ililigaw nito, lulunurin ka nito. Habang ang iba naman nagsasabi na kapag nakita ka ng bolang apoy, hahabulin ka nito.

Ang mga matatanda naniniwala na ang bolang apoy ay isang ligaw na kaluluwa na hindi makatawid sa kabilang buhay. Isang kaluluwa nangangailangan ng dasal.

Folklores

Sa journal ni Antonio Plgafetta, nakalathala dito ang paglalakbay nila ferdinand Magellan at dito nakasulat ang nilalang o espiritu na ito bilang “corposants”. Ang corpo sa portugese ay santo o holy body. Isa itong phenomenan na inilarawan sa The luslads, isang tula mula sa portoguese.

Ang santelmo obviously ay mula sa st. elmo pero ang alamat nito at mga kwento ay mas malapit sa mga hapon. Ayon sa aswangproject.com, ang santalemo ay mas malapit sa kwentong “spider fire of the spirit of the dead akechi” kung saan isang bolang apoy ang lumilitaw sa mga ilog at mga swamps kapag masama ang panahon.

Kahalintulad din nito ang Naga Fireballs ng thailand kung saan pinaniniwalaan ng mga lokal na ang bolang apoy ay mula sa mga naga. Ang naga mga boss ay isang myhtical sea serpent na nakatira sa mga ilog.

Hanggang dito na lang muna mga boss, next video mas in depth pa. Dahil sa parteng ito more on philippine folklore pa lang tayo. Sana ay may nakuha kayong bagong impormasyon sa video na ito.

What do you think?

Friday the 13th

Near Death Experience